Why Dogs Are Better Than Your Ex

Growing up unica hija is never easy. Akala ng marami okay lang na mag-isa ka lang na anak kasi wala kang kahati sa atensyon ng magulang mo , tipong hindi sila magkukulang sa mga pangangailangan mo at lalong hindi ka nila titipirin pagdating sa mga luho at kagustuhan mo. In short, walang “kontrabida” sa buhay mo.

Ang hindi nila alam, mahirap mag-isa. Hindi sa lahat ng panahon masasabi mong wala kang kahati sa atensyon ng magulang mo, na hindi sa lahat ng pagkakataon mabibigay nila ang pangangailangan lalong lalo na ang mga kagustuhan mo.

At dahil nga, mag-isa lang ako, madalas wala akong kalaro maliban sa sarili ko. Wala akong nasasabihan ng mga problema ko, tipong wala akong napagsu-sumbungan kapag may umaway sa’kin. Walang tumutulong sa’kin sa paggawa ng mga assignment at projects. Wala akong napagsasabihan kung sino mga crush ko. Wala akong kasama kiligin at mas lalong walang nagpapatahan sa’kin kapag nasaktan ako ng dahil sa pag-ibig.

yes-i-am-an-only-child-but

Nagbago ang lahat ‘nung nag-ampon kami ng aso. Simula n’un, hindi na ako nakaramdam na isang anak lang ako kasi ang turing ko/nila sa mga alaga naming aso ay tunay ng kapamilya.

Naniniwala akong hindi lang pagiging bantay sa bahay ang mga aso. Andyan rin sila para paligayahin at samahan tayo hindi bilang hayop kundi bilang karamay sa lahat ng bagay. Kung tutuusin nga, daig pa nila katapatan ng ex at mga kaibigan mo sa’yo.

Tahol nila unang maririnig mo sa umaga. Sila pa gigising sa’yo para di ka ma-late sa eskwela/trabaho. Hindi katulad ng ex mo na tanghaling-tapat na wala pa ring “good morning” text sa’yo.

Susundan ka nila kahit saan ka mag-punta. Ihahatid ka nila hanggang sakayan. Kung pwede nga lang samahan ka nila hanggang sa pagpasok mo, gagawin nila. Kesa sa ex mong pagsasawaan ka agad kapag araw-araw kayong nagkikita.

Buong araw wala silang ibang gagawin kundi hintayin ka sa pag-uwi mo. Ipaparamdam nila sa’yo kung gaano ka nila na-miss kahit na oras lang ang bibilangin nung huli ninyong pagkikita. Kesa sa ex mong ma-late ka lang ng 15 minutes sa usapan eh galit na agad sa’yo at tuwing monthsary n’yo lang ipaparamdam na special ka.

Makikipag-laro sila sa’yo at magpapapansin kahit sobrang dami mong ginagawa. Kesa sa ex mong walang ibang hiniling sa’yo kundi space, ib-break ka rin pala. Mas okay rin sila sa mga kaibigan mong magpaparamdam lang kung may kailangan.

Hindi ka nila sasabayan sa galit mo. Hindi katulad ng ex mo na makikipag-taasan pa ng boses sa’yo. Imbis na mag-away pa kayo, mananahimik na lang sila. Marunong rin sila mag-sorry at umamin sa nagawang kasalanan.

Kung kaya nilang mag-sorry, kaya ka rin nilang patawarin. Anuman naging kasalanan o pagkukulang mo, makalimutan mo man sila pakain maghapon, handa nilang kalimutan ‘yun huwag ka lang mawala. Pag-uwi mo, ikaw pa rin ang amo nila.

Alam nila kapag malungkot ka o nasasaktan. Nararamdaman nila kung may problema ka o wala. Hindi katulad ng ex mong ngumawa ka na’t naglupasay sa harap n’ya, ‘di pa rin n’ya ramdam na nasasaktan ka na.

Kahit anong mangyare, hinding-hindi ka nila huhusgahan. Wala silang pake kung panget ka o maganda, kung mayaman ka o mahirap, kung payat ka o mataba, at kung pumasa ka sa exam o hindi. Tanggap ka nila hindi lang sa kalakasan mo kundi maging sa kahinaan mo. Hindi katulad ng ex at mga kaibigan mo na tanggap ka lang kapag successful ka.

At higit sa lahat ikaw lang ang mahal/kaibigan nila, wala ng iba. Hindi katulad ng ex at mga kaibigan mo na hindi marunong makuntento sa’yo at sa kung anong kaya mong ibigay. Palibhasa kasi marami pang iba d’yan. Pwede pa silang makahanap ng ibang kaibigan o ka-i-bigan. Pero sila, tayo lang ang meron sila.

Kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit mas pinili ng isang lalaki na taga-Roanoke, Virginia na hanapan ng pwedeng umampon sa girlfriend n’ya imbis na ang kanyang aso na si Molly matapos s’ya nitong papiliin sa kanilang dalawa. Ginawa n’ya ito sa pamamagitan ng pagpo-post sa Craiglist ng litrato ng aso na nagsasabi…

“My girlfriend does not like my beagle Molly so I have to re-home her. She is a purebred from a wealthy area and I have had her for 4 years. She likes to play games, not totally trained. Has long hair so she’s a little high maintenance especially with the nails but she loves having them done. She stays up all night yapping but sleeps while I work. She only eats the best, most expensive food and will NEVER greet you at the door after a long day or give you unconditional love when you’re down. She does not bite but she can be mean as hell! So… Is there anyone interested in my 30 year old, selfish, wicked, gold-digging girlfriend? Come and get her! Me and my dog want her re-homed ASAP!”

Oh ano? Hindi ka pa rin ba naniniwala na mas better pa ang aso kesa d’yan sa hayop mong Ex? Malamang hindi mo pa napapanuod ang pelikulang pinamagatang “Hachiko – A Dogs Tale”. (Watch trailer here) Tungkol ito sa labis na katapatan ng isang aso sa kanyang amo kahit ito ay yumao na. Ang kwentong ito ni Hachiko ay walang pinagkaiba sa kwento ng isang Siberian Husky na kung saan isang taon s’yang naghintay sa amo n’ya kung saan ito naaksidente sa pag-asang babalikan siya nito rito.

Sa katunayan, hindi lang sa Japan mayroong Hachiko dahil dito mismo sa Pilipinas ay mayroong Saicy na sumikat ng kumalat ang litrato n’ya na nag-aantay sa labas ng Emergency Room matapos atakihin sa puso ang kanyang pinakamamahal na amo. (See article here.)

O diba? Buti pa mga aso, tapat kahit na patay ka na. Eh ‘yung ex mo, halos patayin ka sa sama ng loob – malingat ka lang saglit, may iba ng kalandian.

fernandez-girlie

About the Author

Fernandez, Girlie Anne D.

She is just a simple Communication Major student who loves to eat while studying. Being an only child, she treats her dogs as her siblings. She is a consistent achiever, is never contented, and always asks for more. She likes competition and her insecurities motivate her. She loves the idea of being in love and believes that nobody is perfect until you fall in love with them.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s